Ang hirap ay nagawang madali kahit panandali. Ang lahat ng pagaalinlangan ay napunan ng kasiyahan na bukod tanging 2 tao lang ang nakakaunawa. Ang hirap ay ginawan ng paraan para maging madali. Ang hirap ay nawala nang mga palad nyo ay nagdampi at kanyang sinabi na “Ikaw lang, wag ka magalala, aayusin ko ang lahat. Sobra ang hirap talaga, alam mo yan pero handa ako gawin lahat para maging maayos ang lahat..” Ang hirap ay napunan sa pagkakatitigan, Ang hirap ay nawala habang magkasama ang dalawa.
Sana sa bawat hirap, mapatungan ng saya kahit na halos lahat ay walang ideya sa nagaganap sa inyong dalawa. Sana, sa pagalis ng isa, babalik pa rin siya kasi aasa ang isa na babalikan siya dahil handa siyang magantay ng ilan taon para sa lubos at panghabang buhay na pagsasama.
Ang hirap, gusto kong ipagsigawan sa lahat ang nangyayari ngayon pero ang hirap, isang maling kilos lang, bisto na agad. Isang maling salita lang na masasabi, huli agad. Ang hirap. Ang hirap ng sitwasyon, ang hirap ng mga nangyayari.
Ang hirap, pero willing ako gawin ang mga sinabi ko. Ang hirap, pero maniniwala pa din ako. Ang hirap, pero kakapit pa din ako. Ang hirap, pero handa akong magtiis. Ang hirap, pero may panghahawakan ako.
Ang hirap, pero alam ko na kapag dumating na ang tamang panahon, tamang oras at sitwasyon, dadali na ang lahat.
Mahirap, pero kakayanin ko damahin ang paghihirap hanggang dumating na sa puntong maayos, tanggap, at pwede na ang lahat. :”>
